--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakapagtala na ng 3 insidente ng online shopping o online selling scam sa buong Lambak ng Cagayan ngayong buwan ng Mayo .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Rovelita Aglipay, Officer In Charge ng Regional Anti-Cyber Crime Unit (RACCU) 2 sinabi niya na mula 2018 ay nakapag tala na sila ng 24 na insidente ng online Shopping Scams at mayroon nang nasampahan ng kaso.

Dahil patok na patok ngayon ang online shopping ay madalas na hindi natutukoy ng mga mamimili ang tunay o lehitimong sites sa mga peke o scam.

Pangkaraniwang modus ng mga online shopping scammers ang palitan o magpadala ng maling items sa mga bumili.

--Ads--

Pangunahing tinutukan nila upang matunton o makilala ang scammers o nasa likod ng panloloko ay ang pagkuha ng ilang impormasiyon sa mapapagalitan ng lehitimong service provider na maaaring ginamit ng scammer sa pagpapadala ng item.

Payo ng RACCU 2 sa mga mabibiktima na personal na magtungo sa kanilang himpilan upang pormal na masimulan ang malalimang pagsisiyasat kung saan dadalhin ng mga nabiktima ang kopya ng resibo o text massages bilang katibayan na sila ay nagpadala ng pera sa scammer.

Maliban rito ay kailangan ring punan ng biktima ang incident record form na naka-attached sa blotter bago ihain sa hukuman para makakuha ng discloseur of computer data na siyang gagamitin upang makakuha ng karagdagang impormasiyon na gagamitin sa pagsasampa ng kaso.

Paalala ng RACCU 2 sa mga gumagamit o namimili online na maging mapanuri sa mga online shops at sa mga reviews mula sa ibang buyers.

Huwag papayag sa mga payment first policy at mag-request ng cash on delivery na mode of payment o paraan ng pagbabayad upang matiyak na matatanggap ang item, bago bayaran ay buksan ang parcel o item sa harapan ng courier service.

Bahagi ng pahayag ni PLt. Col. Rovelita Aglipay.