--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinala sa San Mariano Police Station ang tatlong lalaki matapos masamsaman ng mga ilegal na pinutol na kahoy sa barangay San Pablo.

Ang nadakip ay sina Jordan Carasi Allapitan, Raymond Lagat at Sonny Ferrer pawang nasa wastong edad at residente ng Barangay Ueg, San Mariano, Isabela habang nakatakas naman si Rowel, nasa wastong edad at residente ng barangay Cadsalan, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mariano Police Station, nasa humingit kumulang 1,000 board feet ng common hard wood ang nasamsam ng mga kasapi ng San Mariano Police Station at Provincial Intelligence Branch na sakay sa nasabat nilang 6X6 truck na sasakyan ng mga suspek.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspej at mga nasamsam na pinutol na kahoy.

--Ads--

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 705 ( Anti Illegal Logging Law )laban sa tatlong suspek.