--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinala sa ospital ang 3 katao na sakay sa nasangkot na banggaan ng dalawang motorsiklo sa Maharlika Highway, Malvar, Santiago City.

Ang mga nasugatan ay ang nagmamaneho ng Rusi Motorcycle ay si Roderick Sembrano, 35 anyos, may asawa, construction worker at residente ng Barangay Calaocan ,Santiago City habang ang Yamaha Mio ay minamaneho naman ni Pia Marquez, 34 anyos , dalaga, waitress, residente ng Mabini, Santiago City.

Kasama ring nasugatan ang backrider ni Marquez na si Ricardo Santos, 33 anyos, isang karpintero at residente ng Valenzuela City, Metro Manila.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ng mga kasapi ng Traffic Group, nasa parehong linya ang 2 motorsiklo habang binabagtas ang daan patungong Barangay Mabini.

--Ads--

Nakatakdang bagtasin ng motorsiklo ni Sembrano ang kaliwang bahagi ng daan nang bigla na lamang nabangga ng motorsiklng minamaneho Marquez ang likurang bahagi ng motorsiklo ni Sembrano.

Natumba ang dalawang motorsiklo dahilan para mahulog ang mga sakay na nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.