--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagtamo ng injury sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong sakay ng matorsiklo matapos mabangga ng kasalubong na jeep sa Sitio Casserec, Barangay Antutot, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay ang tsuper ng motorsiklo na si Roel Carnate, 18 anyos, binata , magsasaka at mga backrider na sina Mike Benito 51 anyos, may-asawa, magsasaka at si Dixon Benito, l12 anyos na pawang residente ng Brgy. Watwat, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ang pinaghihinalaan ay ang tsuper ng sasakyan na si Edralph Sagabaen 35 anyos , may-asawa, residente ng Brgy. Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang mga kasapi ng MDRMMO ay ipinaalam sa Kasibu Police Station ang naganap na aksidente sa lansangan na kaagad tmugon.

--Ads--

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang motorsiklong sinakyan ng mga biktima ay patungong bayan ng Bambang habang nasa kaslungat na linya ang sasakyan.

Iniwasan anya ng jeep ang biglang tumawid na astray animal at napunta sa linya ng motorsiklo na naging sanhi ng banggaan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng injury sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang tatlong sakay ng motorsiklo na agad dinala sa pagamutan ng mga tumugon na kasapi ng MDRRMO.

Ang motorsiklo at jeepney ay dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang tsuper ng sasakyan na si Sagabaen .

Maaring maharap si sagabaen sa kasong Reckless Imprudence Resulting in multiple Serious Physical Injury and Damage to Property.