--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang dalawang tsuper ng motorsiklo at isang backrider matapos na magsalpukan ang mga ito sa San Placido, Roxas, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station, binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Parocha ang lansangan patungong timog na direksyon habang patungo ang motorsiklong minamaneho ni Bulauan sa kasalungat na direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay pumunta sa kabilang linya ang motorsiklo ni Parocha sanhi upang bumangga ito sa kasalubong na motorsiklo.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima upang malapatan ng lunas subalit idineklarang dead on arrival sina Parocha at Bulauan ng kanilang attending physician at namatay habang nilalapatan ng lunas si Ticman dahil sa matinding sugat sa mga katawan dulot ng aksidente.

--Ads--