--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy pang hinahanap ng mga kasapi ng Rescue 922 ng pamahalaang lunsod ang tatlong mag-aaral na nalunod sa Ilog Cagayan na nasasakupan ng Barangay Duminit, Cauayan City ngayong Black Saturday

Ang mga nalunod ay sina Rachel Domingo, Rhea Labog at Carla Jane Maramaag, pawang 12 anyos, mga mag-aaral ng Duminit Elementary School at pawang residente ng Duminit. Cauayan City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na naganap ang pagkalunod ng tatlong bata kaninang tanghali.

Kasama ng mga bata ang mga kamag-anak na nag-picnic sa ilog Cagayan at habang naliligo ay napadako ang mga biktima sa lugar kung saan malakas ang agos ng tubig na sanhi para sila ay malunod.

--Ads--

Nagpapatuloy ang paghahanap ng mga kasapi ng Rescue 922, mga otoridad at ilang concerned citizen sa mga batang nalunod.