--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong matastaas na pinuno at isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Cordillera Administrative Region o CAR ang magkakasunod na sumuko sa 503rd Infantry Brigade Philippine Army sa Mountain Province sa unang linggo ng Oktubre, 2018.

Ang mga sumuko ay kinilala ng Philippinme Army sa mga alyas na Ka Efren, Ka Kalaya, Ka Rudy at Danyag.

Si Ka Efren ay Team Leader Squad Uno ng Kilusang Larangan Guerilla na kumikilos sa mga boundary ng Ilocos Sur, Abra at Mountain Province habang si Kalaya ay isang miyembro ng Militia ng Bayan.

Isinuko ni Ka Efren ang isang caliber 45 pistol, dalawang hand grenade habang si Ka Kalaya ay isang M16 Rifle at mga subersibong dokumento.

--Ads--

Unang sumuko ang dalawang mataas ding pinuno ng Kilusang Larangang Guerilla na sina Alyas Ka Rudy at Alyas Danyag na nagsuko ng carbine rifle.

Ayon kay Brigadier General Leopoldo Imbang Jr. Brigade Commander ng 503rd IB na sumuko ang apat dahil hirap na kanilang dinaranas sa kabundukan.

Ayon naman kay Major General Perfecto Rimando Jr.,commander ng 5th Infantry Division Philippine Army na patuloy ang kanilang combat operation at information dissemination lalo na sa mga liblib na lugar para himukin ang mga rebelde na magbalik loob sa pamahalaan.

Gayundin ang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ( ECLIP ) ng pambansang pamahalaan para suportahan ang kanilang pagbabago.

Sa pamamagitan ng ECLIP ay umaasa siya na marami pa ang kanilang mahihikayat na sumukong kasapi ng NPA.