--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabawi sa isang sibilyan ng mga kasapi ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army ang tatlong M16 armalite rifle na ibinigay sa kanya ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Kasibu, Nueva Vizcaya noong May 11.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jefferson Somera, Battalion Executive Officer ng 86th IB, PA, sinabi niya na narekober nila ang mga nasabing baril sa tulong ng mga mamamayan sa nasabing lugar.

Aniya, ang mga baril ay iniwan ng mga miyembro ng NPA na napalaban sa militar noong July, 2017 sa Landingan, Nagtipunan, Quirino.

Iniwan nila ito sa isang sibilyan para sila ay madaling makatakas.

--Ads--

Kinausap umano nila ang sibilyan at kusa naman nitong ibinigay ang mga baril.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ito ng 86th IB sa Jones, Isabela at inaalam na kung ang mga ito ay issued firearms ng mga sundalo.

Tinig ni Major Jefferson Somera.