--Ads--

CAUAYAN – Kulang ang baon sa pagpasok sa paaralan ang dahilan ng tatlong binatilyong lalaki na nahuling nagpuslit ng mga damit sa Santiago City.

Nagkakahalaga ng P1,600.00 ang ninakaw na mga damit ng tatlong suspek sa isang mall sa Panganiban St. Centro East, Santiago City.

Dinala sa Station 1 ng Santiago City Police Office ng mga security guard at empleyado ng Mall ang tatlong binatilyo at ipinatawag ang kani-kanilang mga magulang.

Hindi mabayaran ang mga ninakaw na damit ng tatlong binatilyo na ipinasakamay sa tanggapan ng DSWD.

--Ads--