--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 ( Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ) dalawang Bar Manager sa barangay Upi, Gamu, Isabela.

Ang mga naaresto ay sina Arvin Mallari, 29 anyos, residente ng Songsong, Gamu, Isabela at Jennylyn Radaza, 30 anyos, may-asawa na residente Upi, Gamu, Isabela.

Sa nakauhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagsagawa ng Oplan Sagip Anghel ang mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group Isabela, Police Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office, Women and Children Protection Desk ng Gamu Police Station at Municipal Social Welfare and Development ng Gamu para sagipin ang tatlong menor de edad na nagtatrabaho sa bahay aliwan.

Ang mga nadakip ay agad dinala sa CIDG-Isabela para sa pagsasampa ng kaso.

--Ads--