--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagtatag na ng tatlong motorist assistance center na magbibigay gabay sa mga motoristang maglalakbay at mga bakasyunista sa panahon ng Semana Santa.

Pinangunahan ng Cauayan City Police Station ang paglalagay ng mga tent para sa motorist assistance center sa Lunsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan , inihayag ni Police Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station na ang motorist assistance center ay matatagpuan sa mga intersection sa Cabatuan Road at sa barangay Cabaruan habang ang pangatlo ay sa barangay Alinam.

Nauna nang inilunsad ng pulisya ang Oplan Summer Vacation katuwang ang mga kasapi ng BFP, Rescue 922 at mga Non-Government Organizations.

--Ads--

Maliban sa tatlong motorist sssistance center ay mayroon pang anim na police community precints.

Sinabi ni Supt. Paragas, nakatuon ngayon ang kanilang atensiyon sa pagdagsa ng mga pasahero at sa araw ng Sabado ay pupuntahan nila ang mga ilog na madalas dinadagsa ng mga mamamayan sa panahon ng Semana Santa.