--Ads--

CAUAYAN CITY- Muling nakapagtala ng panibagong kaso ng African Swine Fever o ASF ang lalawigan ng Isabela matapos ang ilang buwan na pagiging ASF Free Province nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Veterenary Officer, Dr. Belina Barboza, sinabi niya na nagpositibo sa nabanggit na sakit ang tatlong barangay sa bayan ng Angadanan partikular sa Brgy. La Suerte, Buena Vista at Calusutan kung saan isinailalalin na sa culling ang mga nagpositibo sa sakit.

Batay sa imbestigasyon, nagmula ang virus sa itinindang Frozen Meat na galing sa Lungsod ng Santiago.

Ayon naman sa ilang hograisers sa naturang bayan, mayroon umanong nagbenta sa kanila ng isang kilo ng karneng baboy na mula sa Brgy. Lourdes at makalipas ang tatlong araw ay nagkasakit na ang mga alaga nilang baboy kung saan labing walo rito ang unti-unting namatay.

--Ads--

Sa ngayon ay hindi na pwede ang magpasok o maglabas ng baboy sa Angadanan.

Magsasagawa naman sila ng surveillance at blood test at kung sa loob ng 30 araw ay wala nang nagkasakit ay maaari ng magbenta ang mga hog raisers.

Mayroon din aniyang nakarating sa kanilang tanggapan na nagsisimatayan ang ilang mga alagang baboy sa bayan ng Ramon ngunit itinanggi naman umano ito ng Municipal Veterenarian Officer sa naturang bayan.

Paalala naman niya na kung may namatay na baboy ay agad itong ihukay para hindi na kumalat pa ang virus na maaaring makahawa sa iba pang mga baboy.

Dahil dito ay inabisuhan na nila ang iba’t ibang mga livestock inspectors na agad iulat sa kanilang tanggapan kung nakitaan nila ng sintomas ng ASF ang mga alagang baboy.

Nilinaw naman niya na maaari pa ring mag-biyahe ng mga baboy sa Isabela basta mayroon itong kaukulang mga dokumento at hindi galing sa mga lugar na mayroong positibong kaso ng ASF.