--Ads--

Nasawi ang tatlong katao habang ilan pa ang nawawala matapos mahulog ang isang blue Elf truck na may sakay na mga construction worker sa isang malalim na bangin at tuluyang lumubog sa Ilog Chico sa bahagi ng Gawa, Barangay Tocucan, Bontoc, Mountain Province nitong Lunes ng umaga, Oktubre 27, 2025.

Patuloy pa rin ang search, rescue, at retrieval operations ng mga awtoridad para sa mga nawawala.

Ayon sa paunang ulat, ang truck ay nagdadala ng mga manggagawa ng Balintaugan Construction patungo sa kanilang proyekto sa Kuro-Kuro, Sadanga, Mountain Province.

Ito ay bumangga sa dalawang nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada bago tuluyang mahulog sa bangin.

--Ads--