--Ads--

Tatlong katao ang nasawi matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Brgy. Dadap, Luna, Isabela bandang 12:20 ng hatinggabi ngayong araw, Nobyembre 7, 2025.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Luna Municipal Police Station, sangkot sa aksidente ang isang Skygo single motorcycle na minamaneho ni alyas “Jomar,” 24-anyos, residente ng Brgy. Dadap, kasama ang backrider na si alyas “Nestor,” 28-anyos; at isang Euro 155 single motorcycle na minamaneho ni alyas “Gerald,” 26-anyos, residente ng Brgy. Labinab, Cauayan City.

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng motorsiklo ni Jomar ang kalsada patungong bypass road habang ang motorsiklo ni Gerald ay paparating mula sa kabaligtarang direksyon. Pagdating sa lugar ng insidente, biglang napunta sa kabilang linya ang unang motorsiklo at nagresulta sa banggaan.

Agad na isinugod ang mga biktima sa Cauayan District Hospital ngunit idineklara silang dead on arrival bandang 2:04 ng madaling araw ng attending physician.

Parehong nasira ang dalawang motorsiklo at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa karagdagang pagsusuri.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente.