--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap tatlong lalaking newly identified sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ) sa Santiago City.

Ang mga dinakip ay sina Arnel Daet, 40 anyos, isang tsuper; Roberto Guslig, 37 anyos, construction worker, kapwa residente ng barangay Rizal, Santiago City at Rick Tancino, 31 anyos, may asawa, isang security guard at residente ng Barangay Batal.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dinakip ang 3 lalaki sa isinagawang magkakahiwalay na drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Santiago City Police Station 2 at PDEA Region 2 at Santiago City Police Station 2.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tig-isang sachet ng hinihinalang shabu, isang libong pisong bust money at cellphone na ginamit sa transaksyon.

--Ads--

Ibinunyag naman ng mga suspek kung saan sila kumukuha ng tustos ng droga.