
CAUAYAN CITY – Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga pulis at sundalo sa Pelaway, Alfonso Castanieda, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLT Col. Chevalier iringan, Information Officer ng Police Regional Office (PRO) 2 na ang pagpapatupad ng Oplan Hikayat Charlie at Delta ng 201st Company ng Regional Mobile Force Battalion at 84th Infantry Battalion Philippine Army ay nagbunga ng pagsuko ng tatlong miyembro ng NPA.
Sila ay sina alyas Diego 36 anyos; alyas Jonie, 38 anyos at alyas Jun, 41 anyos, pawang miyembro ng grupo ng mga NPA na kumikilos Caraballo Mountains sa Nueva Ecija.
Ang tatlong miyembro ng NPA ay nagsuko isang shotgun, 2 hand grenade at 4 rifle grenade.
Ayon kay Iringan, ang hirap na dinanas sa kabundukan ang nagtulak sa mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay PLt Col. Iringan, mabibigyan ng financial at livelihood assistance ang mga sumukong NPA para sa kanilang pagbabagong buhay.










