--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaayos na ang mga benepisyong nakapaloob sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) na ipagkakaloob sa 3 NPA na kabilang sa iisang pamilya na sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Sitio Lagis, Sindon Bayabo, Ilagan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Phil. Army na ang magkakapamilyang miyembro ng NPA na nagbalik loob sa pamahalaan ay sina alias Alpha, 40 anyos, alias Teresa, 35 anyos, ang anak na si alias Rickson, 18 anyos na pawang residente ng San Mariano, Isabela.

Ayon kay Captain Pamittan, ang magpapamilya ay pumasok sa rebeldeng pangkat noong February 2016.

Isinuko din nila sa pamahalaan ang 3 M16 rifles, dalawang short magazines, isang long magazine at 23 piraso ng 5.56 ammunition.

--Ads--

Ang naturang pamilya ay ni-recruit ng isang alias Davao na Squad Leader ng Section Guerilla Unit (SGU) of Komiteng Probinsya (KOMPROB) Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV)

Napapayag anya ang pamilyang sumapi sa rebeldeng pangkat dahil pinangakuan silang magkaroon ng magandang buhay ngunit napagtanto nila na walang katototohan ang naipangako sa kanila dahil nakaranas sila ng hirap at gutom sa loob ng kilusan.

Dumanas din sila ng walang katapusang paglalakad dahil sa patuloy na pagtugis sa kanila ng mga sundalo

Matagal na anya nilang balak sumuko sa pamahalaan ngunit natatakot sila dahil pinagbabantaan sila ng kanilang mga kasamahang rebelde at takot rin sa mga sundalo.

Sila anya ay sangkot sa pakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan sa panahon na nasa loob sila ng rebeldeng pangkat

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na sila ng 502nd Infantry Brigade at inaayos na ang kapakinabangang ipagkakaloob sa kanila.

Bahagi ng pahayag ni Captain Rigor Pamittan