--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang 19 anyos na binata sa isinagawang drug buy but operation sa barangay sinabbaran, Echague, Isabela na pinangunahan ni P/Chief Insp. Andy Orilla, hepe ng Echague, Police Station kasama ang mga kasapi ng provincial intelligence branch ng Isabela Police Provincial Office.

Ang inaresto ay si Janus Kim, residente Kalusutan, Angadanan, Isabela.

Nakabili sa binata ng pulis na nagpanggap na poseur/buyer ang isang pakete ng marijuana.

Sa isinagawang inspection sa motorsiklo ng binata ay nakakuha ang mga pulis ng dalawa pang pakete ng hinihinalang marijuana mula sa kanyang sling bag.

--Ads--

sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa republic act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002).