--Ads--

Tatlong taong pinaniniwalaang homeless ang natagpuang walang buhay sa Manhattan at Brooklyn, New York nitong Sabado dahil sa sobrang lamig.

Ayon sa ulat ng New York Post, unang natagpuan ang isang 67-anyos na lalaki sa 528 3rd Ave., Murray Hill, bandang 7:45 ng umaga.

Samantala, isang 64-anyos na babae ang natagpuan sa 1112 Remsen Ave., Canarsie, Brooklyn, bandang 9:25 ng umaga at idineklarang nasawi sa lugar.

Kasabay nito, natagpuan din ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang edad 30 pataas, sa 327 Warren Ave., Cobble Hill.

--Ads--

Ayon sa pulisya, walang palatandaan ng pisikal na trauma at hindi pinaghihinalaang krimen ang tatlong kaso.

Dadalhin sa Office of the City Medical Examiner ang mga labi upang matukoy ang sanhi ng kanilang kamatayan.

Dahil sa biglaang pagbaba ng temperatura hanggang 10 degrees, nagpapatupad ang lungsod ng Code Blue para sagipin ang mga homeless mula sa kalsada. Bukas umano ang lahat ng shelter at drop-in center buong araw para sa mga nangangailangan