--Ads--

CAUAYAN CITY- Maswerteng walang nasaktan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa harapan ng gasolinahan sa Barangay Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga sangkot na sasakyan ay isang  Ford Ranger na minamaneho ni Fritz Jian Palasi, 19- anyos na residente ng Barangay Salinas, Bambang, Nueva Vizcaya. 

Puting Mitsubishi Montero na minamaneho naman ni Jaime Bantiyan, 45- anyos at residente ng Panka Sanafe, Lamut, Ifugao at itim na Hyundai na minamaneho ni Katrix Hartemi Talic, 18- anyos mula sa Poblacion East, Lagawe, Ifugao.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bayombong Police Station napag-alaman na pawang binabagtas ng mga nabanggit na sasakyan ang Maharlika Highway patungong bayan ng Solano.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng bumangga sa likurang bahagi ng Montero ang sasakyang minamaneho ni Talic.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumangga naman ang Montero sa sasakyan ni Palasi.

Dahil sa insidente nagtamo ng pinsala ang tatlong sasakyan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bayombong Police Station.