CAUAYAN CITY – Tatlo ang sugatan makaraang magbanggan ang isang motorsiklo at tricycke sa barangay Malasin, San Mateo, Isabela.
Ito ay kinasasangkutan ng isang single motorcycle na minamanaeho ni Limuel Bagasi, residente ng Old Centro Uno, San Mateo, Isabela at tricycle na minamaneho ni Jao Harold Marasigan, dalawampong taong gulang at pasahero na si Mary Ann Morong, tatlumpu’t isang taong gulang
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nag-overtake ang tricycle at hindi napansin ng tsuper na si Marasigan na makakasalubong ang motorsiklong minamaneho ni Bagasi na nagsanhi para sila ay magbanggaan
Nakatakdang ilipat sa ibang pagamutan ang mga tsuper na sina Bagasi at Marasigan dahil sa tinamong matinding sugat sa kanilang mga katawan habang si Morong ay nasa mabuti nang kalagayan




