--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang tatlong katao matapos ang karambola ng tatlong sasakyan kabilang ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Namamparan, Diadi, Nueva Vizcaya.

Nasugatan ang tatlong pasahero ng Florida Bus na sina Pamela Agustin, residente ng Bacoor City Cavite; John Balisi, residente ng Tuguegarao City Cagayan at Mayette Invierno na residente ng Lallo Cagayan.

Kinilala naman ang tsuper ng bus na si Roderick Pascual na residente ng Gattaran Cagayan na maswerteng hindi nasugatan sa aksidente.

Nasawa maayos ding kalagayan ang tsuper ng tractor head na si Bonifacio Vargas na residente ng Lullutan City of Ilagan.

--Ads--

Maswerte ring hindi nasugatan ang isa pang dump truck na sangkot din sa karambola na si Bryan Sebastian na residente ng Buena Vista Santiago City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na binabagtas ng bus at tractor head ang daan patungong lunsod ng Santiago habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang dump truck.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla umanong lumipat ng linya ang dump truck at natagis ang kasalubong na tractor head at bumangga sa gilid ng bus.

Sa lakas ng pagbangga ay nagtamo ng mga sugat sa katawan ang tatlong pasahero na agad isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Ayon sa mga awtoridad nasa impluwensya ng alak ang tsuper ng dump truck nang mangyari ang aksidente.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Diadi Police Station ang tsuper at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.