--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang mga suspek sa dalawang kaso ng panggagahasa na naganap sa bayan ng Saguday at Aglipay sa lalawigan ng Quirino.

Sa bayan ng Saguday, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima upang ireklamo ang 33 anyos na tsuper,residente ng Echague, Isabela na nangmolestiya umano sa kanyang anak sa bahay mismo ng kanyang lolo.

Nadakip sa bayan ng Echague, Isabela ang suspek matapos puntahan ng mga pulis kasama ang biktima at kanyang ama.

Sa bayan naman ng Aglipay, dalawang babae ang biktima ng panggagahasa ng 2 lalaking kanilang kainuman.

--Ads--

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa bayan ng Aglipay, niyaya ng mga suspek ang dalawang babae na mag-inuman sa bahay mismo ng biktima.

Naganap umano ang panghahalay sa kanila matapos ang ilang oras na inuman at hindi na makontrol ng mga babae ang kanilang sarili.

Natuklasan ng mga kamag-anak ang nasabing pangyayari nang puntahan ang mga biktima sa lugar.

Nadakip ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Rep. Act 7610 o special protection of children against abuse, exploitation and discrimation act.