--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto sa entrapment operation sa Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya ang tatlong lalaki na sangkot sa pagbebenta at pamemeke ng driver’s license at ilang dokumento ng sasakyan mula sa Land Transportation Office (LTO).

Ang mga suspek ay sina Jimmy Obra, 47 anyos, may asawa, magsasaka, residente ng bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya; Domingo Esmeralda,39 anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Bagahabag, Solano at si Vincent Quintero, 33, construction worker at residente ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Solano Police Station, nag-ugat ang operasyon sa sumbong ni Richard Acoba, 36 anyos, may asawa, vendor at residente ng Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya tungkol sa pagkabili niya ng hinihinalang pekeng professional driver’s license sa mga suspek at may bayad na P4,500 ang bawat isa sa kanila.

Nalaman ni Acoba na peke ang kanyang lisensya nang parahin siya ng isang LTO personnel sa bayan ng Bagabag habang lulan ng motorsiklo.

--Ads--

Ayon kay Acoba, bineripika ng LTO enforcer ang kanyang lisensiya at pinatawan ng TOP dahil sa paglabag sa Driving Without Valid Driver’s License at may remarks na fake license/OR-CR.

Naglatag ang mga intelligence operatives ng Solano Police Station ng entrapment operation laban sa dalawa sa mga suspek sa tulong ni Acoba.