CAUAYAN CITY- Isinilbi ng pulisya ang warrant of arrest laban sa tatlong lalaking pinaghahanap ng batas.
Dnakip ng mga kasapi ng San Mateo Police Station at Criminal Investigation Detection Group ( CIDG ) sina Alexander Arellano, 33 anyos at Aldrin Duran, 27 anyos, kapwa monggo vendor at residente ng San Mateo, Isabela.
Si Arellano ay may kasong estafa habang si Duran ay bukod sa kasong estafa ay mayroong kasong less serious physical injury.
Si Arellano ay makakalaya kapag naglagak ng piyansang P/16,000.00 habang si Duran ay makakalaya pansamantala kapag naglagak ng piyansang P/16,000.00 para sa kasong estafa at P/10,000.00 sa kasong less serious physical injury
Samantala, dinakip ng pulisya si Dick Ponce,33 anyos, isang tsuper at residente ng Donya Paulina, San Isidro, Isabela.
Ang warrant of arrest laban kay Ponce ay ipinalabas ni Judge Efren Cacatian ng Regional Trial Court Branch 35, Santiago City
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Si Ponce ay nasa pangangalaga ng San Isidro Police Station at nakatakdang ipasakamay sa Court of Origin.




