--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng riding in tandem criminals sa Cabaruan, Cauayan City kaninang alas kuwatro ng hapon

Ang biktimang si Don Geronimo, nasa tamang edad, isang negostante at residente ng Zone 2, San Mariano, Isabela ang pangatlong biktima na ng pagbaril at pagpatay dito sa Cauayan City sa loob lamang ng tatlong araw

Ang biktima ay nakipaglibing lamang sa kanyang kaibigan at papasakay na sa kanyang sasakyan nang biglang may bumaril sa kanya na sakay ng motorsiklo.

Agad tumakas ang dalawang suspek na nakasuot ng camouflage matapos ang pamamaril.

--Ads--

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.

Magugunitang noong araw ng Sabado ay binaril patay si Barangay Kagawad Rommel Taylan, 48 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Gappal, Cauayan City ng mga suspek sakay ng itim na SUV na walang plaka na nagresulta ng agarang kamatayan ng biktima.

Sumunod na binaril patay noong hapon ng Sabado si Conrado Ruiz, 32 anyos, may-asawa, isang tsuper ng jeep at residente ng Capuseran, Benito Soliven, Isabela habang naghihintay ng kanyang pasahero sa San Fermin, Cauayan City.