--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsuko ng walang dokumentong baril ang tatlong kalalakihan sa isinagawang oplan katok ng Delfin Albano Police Station na may kaunayan sa oplan boga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inhayag ni P/Senior Inspector Ericson Aniag, hepe Delfin Albano Police Station na ang nagsuko ng kanilang baril ay sina Julie Batugal, Felomino Taguba, at si Sangguniang Bayan Member Michael Taccad .

Kaunay nito nagsagawa rin ang PNP Delfin Albano ng Liciense to own and to possesed firearms caravan noong marso na dinaluhan ng limampung firearm holder kung saan naproseso ang kanilang expired license, permit to carry firearms outside residence na sinuportahan ng local na pamahalaan ng Delfin Albano

Samantala, sa pagpapalakas ng force multiplier ng Delfin Albano Police Station, nagsagawa sila ng enhancement training for barangay peace keeping action team.

--Ads--

Tinalakay sa naturang training ang kanilang tungkulin sa anti illegal drugs operation, pagtugon sa mga sakuna at iba pang insidente sa nasasakupan ng mga naturang force multiplier.

Maliban sa pagpapalakas ng Force Multiplier, pinaiigting din ng PNP Delfin Albado ang kanilang Anti Criminality Program sa pamamagitan ng Police Operations, Police Visibility, paglalagay ng mga Check Points, at pagpapaigting sa pagpapatupad ng mga ordinansa at batas.