--Ads--
CAUAYAN CITY – Nasugatan ang tatlong tao sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa San Pablo, Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Michael Gammad, Team Leader ng Rescue 922 ng Cauayan na nakahimpil sa Brgy. Villa Luna, sinabi niya na ang dalawang nasugatan ay sakay ng motorsiko at walang suot na helmet habang ang isa pa ay lulan ng tricycle.
Hindi naman nagtamo ng sugat ang tsuper ng tricycle.
Aniya, magkasalubong ang dalawang sasakyan at nag-flasher umano ang tricycle subalit hindi napansin ng tsuper ng motorsiklo kaya nabangga nito ang tricycle.
--Ads--
Agad namang tumugon ang rescue team at nilapatan ng paunang lunas ang mga biktima bago dinala sa pagamutan.