--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang Mag-asawa at isang menor de edad makaraang magbanggaan ang mga sinasakyang motorsiklo sa Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue 316 ng pamahalaang lokal ang mga sugatan na sakay ng isang single motorcycle ay ang nagmaneho na si Leonardo Zambrano, 56 anyos kasama ang backrider nitong misis na si Maurita zambrano, 54 anyos nang makabanggan ang isa pang motorsiklong minamaneho ng itinago sa pangalang Steve, 15 anyos.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na biglang lumiko ang motorsiklong minamaneho ng menor de edad na sanhi para mabangga ng paparating na motorsiklong minamaneho ni Zambrano.

Dinala sa pagamutan sa Santiago City ang tatlong sakay ng nagbanggaang dalawang motorsiklo.

--Ads--

Muling nagpaalala ang mga kasapi ng Ramon Police Station sa mga magulang na huwag payagan ang mga menor de edad na mga anak na magmaneho ng motorsiklo na nagsasanhi ng mga aksidente sa lansangan.