--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong tao ang nasugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan na nangyari sa Prenza Highway Dist. I, Cauayan City .

Ang mga biktima ay sina Andy Sagun, 27 anyos, residente ng Casalatan, ng Cauayan City, tsuper ng Honda Civic; Jimmy Agtang, 22 anyos, residente ng Minante I, Cauayan City at sakay ng Honda Civic at si Joseph Fernando, 39 anyos, isang agriculture technician at residente ng Naganacan, Cauayan City, tsuper ng Nissan Pick-Up.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, patungong hilagang direksyon ang sasakyan na minamaneho ni Sagun nang mabangga siya ng sasakyan na minamaneho ni Fernando na nilampasan ang sinusundang sasakyan.

Nagtamo ng mga sugat ang tatlong tsuper ng mga sasakyan at sila ay nakatakdang mag-usap sa himpilan ng pulisya.

--Ads--