CAUAYAN CITY – Tatlong magkasunod na aksidente sa daan ang naganap kagabi na kinasangkutan ng tatlong single motorcycle, dalawang traysikel at isang Ford Ranger SUV.
Sinabi ni P/Sr.Insp.Ranulfo Gabatin ng Cauayan City Police Station na tatlong vehicular accident ang kanilang naitala sa himpilan ng pulisya ng Cauayan City.
Ang unang aksidente ay nangyari 9:30 kagabi sa Maharlika Highway sa Brgy.Minante II na kinasangkutan ng isang tricycle na minamaneho ni Albert Rosario at isangi single motorcycle na minamaneho ni Rommel Semana.
Nagbanggaan ang dalawang sasakyan matapos mag-overtake ang isa sa kanila.
Parehong nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawang drayber at sira ang kanilang sasakyan.
Bandang 10:00 kagabi , nangyari ang ikalawang aksidente sa Maharlika Highyway sa tulay ng Minante Cauayan City,Isabela.
Ang Honda tmx motorcycle na minamaneho ni Eric Camacho at isang Ford Ranger Suv na minamaneho ni Danilo Apolonio ay magkasunod na binabagtas ang daan patungong bayan ng Alicia,Isabela .
May iniwasan umano ang honda tmx Motorcycle at huminto kaya siya natumbok ng kasunod na Ford Ranger SUV sa likod nito.
Dahil dito, nalaglag sa baba ng pavement sa tulay ang motorsiklo .
Nagtamo ng sugat sa katawan si Eric Camacho na agad isinugod ng Rescue 922 sa pagamutan .
10:30 rin kagabi ng mangyari naman ang aksidente sa Rizal Park sa pagitan ng Yamaha Mio na minamaneho ni Ninio Mico Vallejo at isang tricycle na minamaneho ni Candido Felipe
Nabangga ng traysikel ang Yamaha Mio nang magleft turn ito sa Rizal Park Cauayan City.
Kapwa nagtamo ng suagat ang dalawang tsuper at nagtamo rin ng pinsala ang kanilang mga sasakyan.
Ayon kay P/Sr.Insp.Ranulfo Gabatin, ang mga sangkot sa nasabing mga aksidente ay nagkasundo na ayusin na lamang ang kanilang kinasasangkutang aksidente.




