Ibinunyag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang umano’y ang 3-way na sabwatan sa likod ng malawakang smuggling ng mga produktong agrikultural sa bansa na kinasasangkutan ng mga Chinese syndicate, lokal na negosyante, at ilang opisyal ng gobyerno.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa agricultural smuggling, sinabi ni Pangilinan na kapansin-pansin ang pagkakahalintulad ng operasyon ng mga smuggler sa mga dating Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs na ipinagbawal na sa bansa noong 2024.
Sinabi nito na malinaw na katulad sa mga POGO, isa sa mga pangunahing lider ng makapangyarihang sindikato sa agricultural smuggling ay mula sa China na may kasabwat na mga Pilipino.
Ibinunyag din ng senador ang kaso ng P68 milyong halaga ng smuggled frozen mackerel mula China na idineklara umano bilang P40 milyong halaga lang ng “chicken poppers.”
Ayon sa senador nagkakaroon na ng katiwalian sa loob ng burukrasya, kung saan umano’y kinakasabwat ng mga exporter mula China ang ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ang mga nahuhuli at kumpiskadong kargamento ay pawang may kaugnayan sa mga Chinese nationals.
Dagdag pa ni Pangilinan, may sapat na “circumstantial evidence” na magpapatunay na nakikipagsabwatan ang mga Chinese smuggling syndicate hindi lamang sa mga lokal na negosyante kundi pati na rin sa ilang tiwaling kawani at opisyal ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation, Philippine National Police,








