Tatlong (3) weather systems ang inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Batay sa state weather bureau ang shear line, ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kasamang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon, partikular sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.
Palalakasin naman ng northeast monsoon o amihan, ang mas malamig na umaga mula Linggo hanggang Lunes.
Bukod dito, inaasahan ding magdadala ang amihan ng mga pag-ulan sa Cordillera Administrative Region (CAR) at sa timog at kanlurang bahagi ng Luzon.
Samantala, ang easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean ay magdadala ng posibilidad ng mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol Region at Mimaropa, na kinabibilangan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan, pagdating ng hapon at gabi.











