Tatlong weather systems ang nakaaapekto at nagdadala ng maulang panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Martes, Disyembre 16, 2025.
Sa bahagi ng Aurora at Quezon ay nararanasan ang maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang thunderstorms dahil sa shear line habang sa nalalabing bahagi naman ng CALABARZON ay nararanasan ang isolated rainshowers dulot ng kaparehong weather system.
Northeast Monsoon naman o amihan ang nagpapaulan sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao na maaaring magdulot ng flash floods o landslide sa mga mabababa at bulubunduking lugar.
Sa bahagi ng Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng Cagayan Valley, at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay Northeast Monsoon pa rin ang umiiral na weather system subalit isolated light rains lamang ang nararansan.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay Easterlies ang nagdudulot ng pag-ulan at thunderstorms.











