--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa humigit kumulang tatlumpung dolphins ang namataan sa karagatang sakop ng Dicaruyan, Divilacan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kim Managuelod, Staff ng Divilacan Tourism Office, sinabi niya na pambihirang pagkakataon na namamataan ang mga dolphins sa Divilacan, Isabela.

Anya, may inilalatag na silang programa para sa mga nagnanais na masilayan ang mga dolphins sa Divilacan.

Una na silang nagsagawa ng congress na dinaluhan ng mga kabataan kaugnay sa mga hakbang para mapangalagaan ang marine biodiversity lalo na ang mga endangered at tanging sa Divilacan lamang makikita.

--Ads--

Nagkasa rin sila ng training katuwang ang TESDA para mailunsad ang home stay programs kung saan tinuruan sila sa hospitality o tamang paraan para asikasuhin ang mga dumarayong turista.