--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa halos 700 million pesos na pondo ang naibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) na financial assistance para sa 135,000 na manggagawa sa formal sector sa buong bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na target nilang mabigyan ng 5,000 cash assistance ang 650,000 na formal workers sa buong bansa.

Sa region 2 aniya ay 13 million pesos na pondo na ang naibigay sa mga formal workers.

Ang mga nag-aplay na informal workers ay makakatanggap na ng bayad bukas.

--Ads--

Ayon kay Kalihim Bello, may mga employer na hindi agad nagsumite ng kanilang payroll para sa pagkuha ng financial assistance ng kanilang mga manggagagawa na sumailalim no work no pay dahil natatakot sila na mabisto na magkakaiba ang ibinibigay na payroll sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at DOLE at sa tunay nilang payoll

Gayunman, pinagsabihan niya ang mga employer na huwag mabahala kung hindi nagbabayad ng Social Security System (SSS), Pag-ibig at Philhealth contribution ng kanilang mga empleado dahil irerekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan sila ng amnesty.

Ang mahalaga aniya ay isumite nila sa DOLE ang payroll ng kanilang mga empelado para mabigyan sila ng cash assistance.

Si Kalihim Silvestre Bello III ng DOLE