CAUAYAN CITY – Nasa 30 Personnel na ng BJMP Santiago City ang tuluyang nabakunahan kontra Covid19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay JCInsp. Erickley Louise Lazaro, Jail Warden ng BJMP Santiago City sinabi niya na tatlumpung personnel na ng piitan ang sumailalim sa First Dose ng Covid19 Vaccine na Sinovac.
Aniya may mga hinihintay pang personnel na nagpapagaling sa Covid 19 habang ang iba naman ay may hypertension kaya ipinagpaliban muna ang pagbakuna sa mga ito.
Target ng tanggapan na mabakunahan ang lahat ng kanilang personnel bagamat may ibang hindi pa tiyak kung magpapabakuna.
Nakatakda ring mabakunahan ang mga Senior Citizen at Vulnerable inmates sa pitumpong PDLs sa nasabing piitan.
Hinimok naman ni JCinsp. Lazaro ang kanilang kapwa Uniformed Personnel na magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon kontra Covid 19.