CAUAYAN CITY – Aabot sa mahigit tatlong daang bamboo propagules ang nakatakdang itanim ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO ng San Mateo Isabela kasabay ng pagdiriwang ng World Bamboo Day sa ika-18 ng Setyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Jonathan Galapon, sinabi niya na isinabay nila ang bamboo tree planting sa Philippine Bamboo Month.
Maliban sa MENRO ay nakatakda ring magsagawa ng bamboo tree planting ang Department of Trade and Industry o DTI Isabela sa bahagi ng lungsod ng Ilagan kung saan lalahukan din ito ng tanggapan.
Aniya hindi lamang bamboo ang kanilang itatanim dahil may mga inihanda rin silang seedlings ng G-melina at Mahogany.
Itatanim ang nasabing mga seedlings sa tabing ilog na bahagi ng Marasat Pequenio at Bagong Sikat.
Pangangalaga aniya ito sa watershed ng Magat River na nagkakaroon na ng desiltation at errosion sa mga riverbanks nito dahil sa kawalan ng mga punong kahoy.