--Ads--

Isang kakaibang tradisyon ng sabayang pagkain ng sushi ang nagbigay ng bagong Guinness World Record sa isang supermarket chain sa Japan!

Sa pangunguna ng Belc, isang kilalang supermarket chain, matagumpay nilang naisagawa ang pinakamalaking pagsabayang pagkain ng Ehomaki.

Ang Ehomaki ay isang pahabang sushi na kinakain tuwing Setsubun o simula ng Spring season.

Umabot sa 311 katao ang sumali sa event, kung saan sumunod sila sa mahigpit na panuntunan ng Guinness World Records.

--Ads--

Kailangan nilang kainin ang Ehomaki nang tahimik sa loob ng 10 minutes, habang nakaharap sa itinakdang direksyon para sa taon 2025, ang west-southwest.

Matapos ang maingat na pagbibilang at pagsusuri ng mga Guinness officials, ipinahayag na opisyal nang naitala ang bagong world record.

Masaya ang lahat ng kalahok dahil hindi lang sila nakilahok sa isang natatanging tradisyon, kundi naging bahagi rin ng kasaysayan.