Nagkaisa ang mahigit 300 katao sa siyam na world island upang makamit ang Guinness World Record para sa “most people snorkeling simultaneously” bilang bahagi ng kampanya para sa marine conservation.
Pinangunahan ng mga snorkeling association na Freedive Maldives at Siyam World Maldives ang makasaysayang event noong December 5, 2025, kung saan 305 participants ang sabay-sabay na lumangoy at nag-snorkel sa karagatan.
Ayon kay organizer Fahd Faiz, hindi lamang ito para sa Guinness title kundi upang ituro ang “reef-safe habits” tulad ng pag-iingat sa coral reefs at pagrespeto sa wildlife.
Naging matagumpay ang record attempt sa tulong ng mga lokal, turista, at suporta mula kay Herbert Nitsch, na kilala bilang “Deepest Man on Earth”.
Umaasa ang grupo na magsisilbi itong inspirasyon upang mas alagaan pa ng tao ang yaman ng karagatan.











