
CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa tatlumpung libong mga health workers at Military Medical Staffs ang ipinadala ng pamahalaang China sa Shanghai dahil sa kasalukuyang surge ng Covid 19 cases sa naturang Lugar.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa China, araw araw ay tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa Covid 19 sa naturang bansa pangunahin sa Shanghai.
Dahil sa tumataas na kaso ng Covid 19 ay mas pinalawig na ang kasalukuyang lock own sa kanlurang bahagi ng Shanghai.
Itinuturong sanhi ng surge ang Stealth Omicron Variant, dahil walang ipinapakitang sintomas ang carrier nito at mabilis itong nakakapanghawa sa mga pampublikong lugar.
Sa nagyon ay hindi pa matukoy ng mga kinauukulan kung hanggang kailan tatagal ang ipinapatupad na lockdown sa Shanghai dahil isasailalim pa sa pagsusuri ang milyon milyong residente.
Ang mga tested positive ay ginagamot ng pinaghalong chinese Traditional Medicine at Western Medicine na umano’y mabisa para sa Covid 19 habang ang mga positibo subalit asymptomatic ay pinapayagan na mag home quarantine.
kamakailan lamang ng magtayo ng temporary hospital at temporary quarantine faciltiy ang pamahalaan na may 47,000 bed capacity habang ginagamit na rin ngayon ang International Expo bilang quarantine area.
Sa kasalukuyan ay kanselado na ang fligths ng Delta Airlines habang ang ilan naman ay inilagay sa ibang mga siyudad ng China.
Sa kabila ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID 19 ay mataas rin ang kanilang recovery rate, ito ay dahil karamihan ng tinamaan ng stealt omicron ay pawang mga fully vaccinated na habang 20% rito ay nakatanggap na rin ng booster dose.










