--Ads--

320 board feet na nilagareng kahoy, nasamsam

CAUAYAN CITY- Mahigit 300 board feet ng nilagareng kahoy ang nasamsam ng mga otoridad sa Simanu Sur, San Pablo, Isabela.

Ang 320 board feet na kahoy ay basta na lamang iniwan sa isang lote ng nasabing lugar.

Narecover ng pinagsanib na puwersa ng San Pablo Police Station, Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office at Community Environment and Natural Resources Officer ang mga kahoy.

--Ads--

Wala pang umaamin na nagmamay-ari ng nasabing mga kahoy .

Ang mga nasamsam na mga kahoy ay ipinasakamay na sa Provincial Environment and Natural Resources Office sa Lunsod ng Ilagan.