
CAUAYAN CITY – Nasa 324 na bagong kasapi ng Philippine Army sa ilalim ng KALASAG class 671 at MANALASIK class 672 ang natapos na sa kanilang anim na buwangmilitary training sa Division Training School, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela noong ikadalawampu ng Disyembre 2021.
Ang mga bagong sundalo ay sumabak sa matinding physical conditioning, psychological & emotional pressure, leadership challenges, at test sa camaraderie na naghanda sa kanila sa bilang bagong myembro ng Philippine Army.
Ang mga nag excel na estudyante ng bawat class ay naparangalan ng Academic Proficiency Award.
Nanguna naman sa KALASAG Class si Pvt Aldrin L Balinggao ng Natonin, Mt. Province na may general average na 94.30%.
Habang si Pvt Franzrey L Ammogawen ng Tabuk, Kalinga naman ang top 2 na may general average na 92.68%, at Top 3 si Pvt Kyle I Dalason ng Bontoc, Mt. Province na may average na 92.62%.
Nanguna naman sa MANALASIK Class si Pvt Sherwin Mina ng Piat, Cagayan na may general average na 93.34%. Number 2 si Pvt Manny Paut ng Tinglayan, Kalinga at Number 3 si Pvt Fernando Jose Ulanimo ng Aparri, Cagayan na may general average na 93.09% at 92.35%.
Pinarangalan ng Physical Proficiency Award sina Pvt Romel Burac ng Amulung, Cagayan at Pvt Christian Reotita ng Guibang, Gamu, Isabela.
Naging Guest Speaker sa pagtatapos si Dr. Ricmar Aquino, President ng Isabela State University o ISU System.










