--Ads--

CAUAYAN CITY –   Umabot sa 325  personnel ng  Isabela Police Provincial office (IPPO) ang naitaas ang ranggo.

Mula sa pagiging Police Corporal ay napromote silang  Police Executive Master Seargeant sa Flag Raising Ceremony,  Mass Oath-taking at  pinning of ranks  na ginanap kaninang umaga sa IPPO grounds sa City of Ilagan.

Ito ay akibidad na sabay-sabay na isinagawa para sa  mga karapat-dapat na PNP personnel na maitaas ang kanilang ranggo.

Sa IPPO, ay 90 Police Chief Master Sergeant, 39 Police Senior Master Sergeant,  70 Police Master Sergeant, 30 Police Corporal at limang  Patrolman at Patrolwoman ang naipromote.

--Ads--

Ang seremonya ay dinaluhan Rev. Father Joseph Santiago na nagsagawa ng pagbasbas sa mga  rank insignias bago ang  ceremonial pinning sa  mga promotees sa pamamagitan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa talumpati ni  Provincial Director, PCol Mariano Rodriguez ng IPPO ay hinikayat niya  ang mga PNP personnel na patuloy na isakatuparan ang  Mision at  Vision  ng PNP para sa mahusay na leadership, disiplina at  integridad sa serbisyo at palaging maging hangad ang paggawa ng mabuti upang maisulong ang  PNP core values.  

Dapat silang maging mabuting ehemplo at maging inspirasyon sa iba na maging tapat at mahusay sa serbisyo para magkaroon ng mahalagang impact sa serbisyo sa komunidad.