--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa tatlong daan at tatlumput anim na pamilya na may kabuuang isang libo isandaan at tatlumput anim na indibidwal ang inilikas ng PDRRMC Isabela, PNP at Philippine Army sa ilang bayan ganap na alas dose kagabi dahil sa pagbaha dulot ng patuloy na pag ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Retired General Jimmy Rivera ng PDRRMO Isabela sinabi niya na nagsagawa na sila ng preemptive evacuation sa mga low lying areas dahil sa patuloy na nararanasang pag ulan.

Dalawamput siyam na pamilya mula sa mga brgy ng Quinagabian, San Rafael East at West at ang brgy. Mozzozzin, Sta. Maria Isabela.

Pitong pamilya mula sa Brgy. Pilig Alto Cabagan Isabela na kasalukuyang nananatili sa Maggasi Elem. School.

--Ads--

Labing anim na pamilya ang inilikas sa Brgy. Yeban Norte Benito Soliven, labintatlong pamilya mula sa Poblaccion 1 Sta. Maria, apat na pamilya mula sa Brgy. Guminga, San Pablo.

Tatlumput walong pamilya rin ang inilikas mula sa Brgy. Dipusu at siyam na pamilya mula sa Sta. Filomena San Mariano Isabela at anim na pamilya rin ang inilikas sa Brgy. Ugad Tumauiini Isabela.

Apatnaput isang pamilya ang inilikas sa Brgy. Bagumbayan at apatnapung pamilya naman sa Brgy Guinatan, limang pamilya mula sa Brgy Fugu, siyam sa Brgy Camunatan, isa sa Brgy Baculud at dalawampu sa Brgy. Alinguigan 3rd City of Ilagan.

Limang pamilya ang inilikas sa Brgy. Malapat at Sagat Cordon Isabela na nananatili ngayon sa Sagat Brgy Hall.

Pitong pamilya rin ang nag evacuate sa San Isidro, Isabela.

Ayon kay PDRRM Officer Rivera maaari pang madagdagan ang nasabing bilang ng mga ililikas dahil patuloy pa rin ang pag ulan na nagdudulot ng pagbaha.

Pinapaalalahanan din ng PDRRMO ang mga mamamayang nasa low lying areas na lumikas na upang maiwasan ang hindi kanais nais na pangyayari.

Aniya hindi dapat isisi palagi sa Magat Dam ang mga nararanasang pagbaha sa Cagayan Valley dahil maraming bagay pa ang nagdudulot ng pagbaha tulad ng siltation sa mga ilog dahil marami nang lupa at putik sa daluyan ng tubig at dati na rin aniyang basa ang lupa kaya dire-diretso na ang tubig sa mga mababang lugar.

Ayon pa kay PDRRM Officer Rivera, kasalanan din ito ng mga mamamayang walang pakundangan sa pamumutol ng punongkahoy sa mga kagubatan.

Ang bahagi ng pahayag ni PDRRM Officer Ret. Gen. Jimmy Rivera.