--Ads--

Ginanap sa lungsod ng Cauayan pangunahin sa Isabela Convention Center o ICON ang 33rd North Luzon Area Business Conference na pinangunahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI-North Luzon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Edgardo Atienza Jr. Sinabi niya na ito ay dinaluhan ng mga delegado mula sa Region 1, 2, 3 at CAR.

Aniya ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa Cauayan City ang business conference at pagbubukas ng trade exhibits na nag-showcase naman sa mga produkto at serbisyo ng nasa apatnaput siyam na micro small and medium enterprises o MSMEs mula sa Isabela, Cagayan, Quirino, Nueva Ecija, Batanes at sa Cordillera Administrative Region o CAR.

Dalawang araw naman ang nasabing event upang matulungan ang mga MSMEs na maipakita at maipakilala sa publiko ang kanilang serbisyo at produkto.

--Ads--

Umaasa naman sila na dadami ang mga investor sa lungsod ng Cauayan sa pagsasagawa ng nasabing event dahil maraming mga negosyante ang dumalo rito.

Ayon kay SP Member Atienza malaki ang naitulong ng nasabing business conferences sa mga maliliit na negosyante, mga pampublikong transportasyon at sa mga hotels na tinuluyan ng mga dumalo sa event.

Hinikayat naman niya ang mga negosyante na maari silang magtungo sa ICON para sa dumalo sa event na magtatagal hanggang ngayong araw upang sila ay makakuha ng ideya at maipakilala rin ang kanilang serbisyo at produkto sa ibang negosyante at consumer.