--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa tatlumput apat na mga bahay ang bahagyang napinsala dahil sa mga nangyaring landslide sa bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Webster Balaw-ing, Acting Provincial Disaster Risk Reduction o PDRRM Officer ng Nueva Vizcaya sinabi niya na nasa 34 na bahay ang naitalang partially damaged sa mga nangyaring landslide sa pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

Pwede pa rin namang tirhan ang nasabing mga bahay dahil minimal lamang ang nasira.

Aniya bagamat may abiso ang mga MDRRM Offices na lumikas ang mga residente ay walang lumikas at nanatili sila sa kanilang mga bahay dahil nangyari ang mga landslides sa tanghali.

--Ads--

Base sa kanilang imbestigasyon sa naging dahilan ng mga landslides, saturated na ang lupa dahil sa ilang araw na pag-ulan kaya bumigay ang mga ito.

Ang ibang landslides naman ay nangyari sa mga ginagawang kalsada sa bayan ng Kayapa.

Magpapatuloy naman ang pag-iikot ng MDRRMOs sa mga barangay sa nasabing bayan lalo na ang mga nasa liblib na lugar upang makita ang sitwasyon ng mga residente at makapagbigay ng tulong.

Ilan sa mga residente ay hiniikayat nang lumipat ng tirahan dahil sa panganib na dulot ng mga landslides sa kanilang lugar.