--Ads--

Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang 344 Pilipino mula Dubai nitong Biyernes, Abril 3.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lumapag bandang alas-4:00 ng hapon sa Villamor Air Base ang ika-pitong government-chartered flight.

Kabilang sa mga dumating ang 228 overseas Filipino workers (OFWs), 68 na kaanak, at 48 stranded Filipinos.

Isinagawa ang repatriation alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.

--Ads--

Samantala, nakahanda ang pamahalaan na magbigay ng kinakailangang tulong tulad ng serbisyong medikal, pinansiyal na ayuda, pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya, at pansamantalang matutuluyan.