--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkakaroon na ng malalang transmission ng COVID-19 sa tatlumput limang barangay na isinailalim sa localized lockdown simula alas otso kagabi at magtatapos ng alas otso ng gabi sa ikadalawa ng Oktubre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ricky Laggui, tagapagsalita ng City Interagency Task Force na dahil sa nagaganap na malalang transmission ng virus  sa naturang mga barangay ay kailangan itong mapigilan sa pamamagitan ng pagsasailalim sa localized lockdown.

Isinailalim sa localized lockdown ang tatlumpu’t limang barangay sa bisa ng Executive Order number 54 series of 2021 na ipinalabas ni Punong Lunsod Jose Marie Diaz.

Kabilang sa isinailalim sa localized lock down ang mga barangay ng  Alibagu, Guinatan, Calamagui 2nd, Baculod, Bliss Village, Bagumbayan, Baligatan, Osmenia, Sta. Barbara, San Vicente, Centro Poblacion, San Felipe, San Ignacio, Cabisera 2, Cabisera 4, Alinguigan 1st, Fuyo, Salindingan, Namnama, San juan, Cabannungan 2nd, Alinguigan 2nd, Centro San Antonio, Manaring, Calamagui 1st, San Isidro, siffu, Naguilian norte, Cabisera 3, Cabisera 8, Aggasian, Marana 3rd, Naguilian sur, at Cabisera 22.

--Ads--

Sinabi pa ni Ginoong Laggui na batay sa isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus ay mayroong nagpopositibo sa Antigen Test.

Kinakailangan anyang isailalim sa localized lockdown ang tatlumput limang barangay upang makontrol ang galaw ng mga residente at mapigilan ang paglabas masok ng mga tao sa mga nabanggit na  barangay.

Umaasa anya ang pamahalaang Lunsod na sa pamamagitan ng localized lockdown ay maibaba ang transmission rate ng COVID-19  sa mga naturang barangay.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Ricky Laggui.