--Ads--

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na equipped na ng ELGU System ang 36 na munisipalidad ng lalawigan ng Isabela bago magtapos ang taong 2025.

Maituturing itong malaking achievement lalo na at napadali at napagaan ang buhay ng mga residente dahil sa paggamit ng system na ito.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Bryan Tomas, Systems analyst 2 ng DICT, sinabi niya na malaki na ang pinagbago ng Isabela simula nang mailunsad ang eGovph app noong December 2023, dalawang taon na ang nakalilipas.

Marami na rin umano ang mga napagaan ang buhay dahil sa system na ito lalo na ang mga business owners at maging ang mga mamamayan na nangangailangan ng kanilang National ID, Philhealth ID, at nagagamit na rin aniya ang system para ipakita sa Land Transportation Office ang driver’s license.

--Ads--

Dagdag pa rito, tanging ang Syudad lamang ng Santiago ang hindi gumagamit ng eGov dahil mayroon silang ibang system na ginagamit na nakakatulong pa rin naman sa mga residente.

Samantala, sa ngayon ay dumarami na rin umano ang gumagamit ng naturang system at tiniyak naman ng ahensya na walang posibilidad na ma hack o ma access ng ibang tao ang dokumentong hindi sakanila dahil protektado ito.

Tiniyak din ng ahensya na ligtas ang magbayad sa eGovph ng mga transactions na nangangailangan ng bayad kaya wala dapat ipangamba ang mga residente.